Dagupan City – Mga kabombo! Ano ang unang magiging reaksyon mo, kung malaman mong may nakalutang na lalaku sa isang ilog?
Tumambad kasi sa isang lalaki ang kaawan na palutang-lutang.
Ayon sa ulat, hindi nag-panic ang mga residente sa isang bayan sa India, pero sinisigawan nila ang lalaki—na napansin nilang hindi kumikilos hanggang sa ilang oras na ang nakalilipas, naalarma na ang mga residente at inakalang patay na ito kung kaya’t tumawag na sila ng pulis.
Lumusong ang isang pulis sa pond para ma-retrieve ang inakalang dead body. Dumating din ang isang emergency medical services team na may 108 personnel.
Inakala rin ng mga ito na dahil sa hitsura ng lalaki sa pond ay wala na itong buhay.
Ngunit laking gulat ng lahat dahil bigla itong bumangon. Maging ang lalaking inakalang patay, gulat na gulat din dahil maraming tao ang nanonood sa kanya.
Nang tuluyang mahimasmasan, pinaliwanag niya sa mga pulis na 10 days na siyang nagtatrabaho sa isang granite quarry.
Labindalawang oras ang itinatagal ng kanyang shift. Kaya nung nag-day off siya, nagpakasarap siya sa pag-inom ng alak.