Dagupan City – Walang konkretong ebidensya.

Ito ang naging sinabi ni Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst sa naging panayam sa kaniya ng Bombo Radyo Dagupan hinggil sa pahayag ng Chinese embassy sa Pilipinas na mayroon umanong alleged recording sa isang kawani ng Armed Forces of the Philippines at Chinese Embassy.

Aniya, kung mapapansin paulit-ulit na lang itong nagiging taktika ng China kung saan ay may layuning alisin ang pagkakaisa sa bansa.

--Ads--

Binigyang diin pa nito na puro na lang “alleged” ang ibinabato ng China at wala namang lumalabas na ebidensya. Inilarawan pa ito ni Yusingco bilang wala sa timing at mistulang sabi-sabi lamang dahil na rin sa kakulangan sa proweba ang mga ito.