DAGUPAN CITY- Iminungkahi ni Gov. Ramon “Monmon” Guico III sa kaniyang State Of the Province Address (SOPA) ang pagpapalakas ng job opportunities sa lalawigan ng Pangasinan upang hindi na kailanganin pang mangibang bansa.
Aniya, kailangan na magamit ang bawat oportunidad na makikita sapagkat, isa sa suliranin sa paggawa ng trabaho sa bansa ay ang pag-atras ng malaking investor ng bansa mula China dahil sa alitan ng dalawang bansa.
Binigyan diin naman ni Guico ang malaking sakripisyo na ginagawa ng bawat Overseas Filipino Workers (OFW) na maging buhay nila ay nakataya.
Kadalasan itong nangyayari dahil sa kinakailangang pagsuporta sa pinansyal pangmedikal ng kanilang mahal sa buhay at mas magandang oportunidad na nakikita sa ibang bansa.
Ang pahayag ng gobernador ay nagmula sa pagkasawi ni Mary Ann Velasquez De Vera sa Israel matapos madamay sa missile strike.










