DAGUPAN CITY- Isang mahalagang kaganapan sa Pilipinas ang proklamasyon ng kasarinlan ng bansa noong June 12, 1898 dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na naramdaman ang kalayaan ng mga Pilipino.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Historian Michael Charleston “Xiao” Chua, ang pagkakaroon ng pambansang watawat at awit ay nagpapakita ng paglaban para sa kalayaan ng bansa mula sa 333 taon na pananakop ng Espanya.

Aniya, ang pakikipagdigmaan ng mga bayani para sa kalayaan ng bansa ay hindi lang nagbigay inspirasyon sa ating bansa kundi maging sa kalapit-bansa rin.

--Ads--

Lumalabas sa mga pag-aaral na ang bayani ng Malaysia at Indonesia ay kinikilala ang ating mga bayani.

Samantala, sinabi ni Chua na para mapanatili ang kasarinlan ng mga Pilipino ay kinakailangan ng ‘good governance’.

Subali, maging ang mga pinuno ng bansa ay nagiging kalaban ng taumbayan dahil sa maling paggamit ng kapangyarihan.

Kaya isang malaking katanungan sa kasalukuyan ang tunay na kalayaan ng sambayanang Pilipino.

At hanggang sa ngayon ay patuloy ipinaglalaban ng mga Pilipino ang kalayaan na matagal ipinagkait sa kasaysayan ng bansa.