Tinitignan na rin ng Department of Labor and Employment o DOLE Region 1 ang paglulunsad ng P20 Benteng Bigas Meron Na program (BBM) dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Kung saan kamakailan lamang ay inilunsad na sa sa San Fernando La union ang P20 Benteng Bigas Meron Na para sa minimum wage earners.
Ayon kay Dir. Exequiel Ronnie Guzman Regional Director , DOLE Region I na nauna nilang ilunsad ito sa La union at buwan buwan itong isasagawa hanggang sa year 2028.
Kaugnay nito ay kanila na ring tinitignan na dalhin din dito sa Pangasinan ang P20 Benteng Bigas Meron Na program para sa mga magiging benipisyaryo nito.
Layunin ng inisyatibong ito na maibigay ang bigas sa abot-kayang halaga na P20 kada kilo para sa mga minimum wage earners. Maaari naman silang makabili ng hanggang sampung kilo at tinitiyak naman ng National Food Authority o NFA ay sapat ang suplay nito.