DAGUPAN CITY- Nakatakdang maglaan ng sampung milyong piso mula sa 2025 Supplemental Budget No. 1 para sa pagsasaayos ng matagal nang problema sa pagbaha sa Bangusville, Barangay Bonuan Gueset.

Ang proyektong ito ay nakatuon sa flood mitigation upang mapangalagaan ang kabuhayan at kaligtasan ng mga residente, lalo na’t ang lugar ay kilala sa industriya ng bangus.

Kabilang sa mga posibleng gawain ang pagpapahusay ng mga kanal, clearing operations, at iba pang hakbang na makatutulong upang maiwasan ang pagbaha lalo na tuwing panahon ng tag-ulan.

--Ads--

Ang pondong ito ay bahagi ng patuloy na inisyatiba ng pamahalaang lokal na tugunan ang mga pangunahing suliranin ng komunidad.

Tiniyak ng mga kinauukulan na masusunod ang tamang proseso sa implementasyon ng proyekto upang matiyak ang maayos at epektibong paggamit ng pondo.