Dagupan City – Inspeksyon ni Malasiqui Mayor Alfe Soriano ang mga poultry farm sa nasabing bayan bilang bahagi ng kanyang adbokasiyang tiyakin ang kalinisan, kaligtasan, at kalidad ng operasyon ng mga ganitong uri ng negosyo.
Kasama niya sa isinagawang inspeksyon ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na aktibong sumusuporta sa mga hakbang ng pamahalaang lokal para sa mas maayos at ligtas na kapaligiran.
Layunin ng nasabing inspeksyon na matiyak kung sumusunod ang mga poultry farm sa mga itinakdang regulasyon ng pamahalaan ukol sa kalusugan, kapaligiran, at tamang pamamalakad ng operasyon.
Pinuntahan ng grupo ang ilang malalaking pasilidad upang personal na masuri ang kalagayan ng mga ito.
Isa rin itong hakbang upang mas mapalakas pa ang tiwala ng mga mamamayan sa mga lokal na lider, lalo na sa panahong mahalaga ang kalinisan at kaligtasan ng pagkain sa merkado.