Iniutos ng Office of the Ombudsman ang dismissal from service nina Urdaneta City Mayor Julio ‘RAMMY’ Fernandez Parayno III, Vice Mayor Jimmy Dereje Parayno, at anim na miyembro ng Sangguniang Panlungsod, kaugnay ng magkakaugnay na administrative complaints.

Sa Consolidated Decision na may petsang April 15, 2026, napatunayang administratively liable ang mayor at vice mayor sa “grave misconduct”, habang ang anim na city councilors naman ay napatunayang liable sa “gross neglect of duty”.

Kabilang sa mga councilor na pinangalanan sa desisyon sina Franco Paolo San Juan Del Prado, Warren Dela Cruz Andrada, Aurelio L. Agsalud, Franklin V. Villanueva, Jhan Hero M. Sumera, at Alfonso Miguel Manuel Del Prado.

Bukod sa dismissal, disqualified na rin silang humawak ng anumang posisyon sa pamahalaan. Bawal na rin silang kumuha ng civil service examinations at forfeited na ang kanilang retirement benefits.

Matatandaan na nag-ugat ang mga reklamo sa umano’y hindi nila pagsunod sa notice of suspension at humadlang sa pagpapatupad ng mga itinalagang pansamantalang opisyal habang nakasuspende ang mga pangunahing opisyal ng lungsod noong Enero 2025.

--Ads--

Ang nasabing 21-pahinang desisyon ay pirmado ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla.