Tiniyak ng Olongapo City PNP ang mahigpit na seguridad na kanilang ipapatupad sa kasagsagan ng Sea Games 2019.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay P/Lt Col Avelina De Guzman, Deputy City Director for Operations ng Olongapo City PNP bukod sa augmentation force na magmumula sa lalawigan ng Bataan, Zambales at Nueva Ecija na umaabot sa 1000 kapulisan ay makakatuwang din nila ang iba pang ahensiya para matiyak ang katahimikan ng boung pagdiriwang ng Sea Games.

Hahatiin aniya ang mga ito sa mga lugar na pagdarausan ng sporting events, mga lansangan na dadaanan ng mga ito, biletting at station venues at ba pa. Inirekomenda rin nila ang pagsuspendi sa pasok sa mga lugar na malapit sa pagdarausan ng event.

--Ads--

Nanawagan naman si De Guzman sa publiko na makiisa at makipagtulungan upang maiwasan na makapagtala ng anumang hindi kanais nais na insedente sa boung panahon ng Sea Games.

P/Lt Col Avelina De Guzman, Deputy City Director for Operations Olongapo City PNP

Mahigpit aniyang ipagbabawal ang pagdadala ng mga bladed weapon, baril, maging ng alak.