Dagupan City- Sabi nga nila na ang kasal ang siyang magbubuklod sa isang relasyon. Ngunit paano kung ito pala ang maging sanhi ng hiwalayan?

Kamakailan kasi ay binansagan na fastest divorce case ang kasal ng isang magkasintahan sa Kuwait.

Ayon sa ulat, makalipas lamang ang tatlong minuto ng isang kasal ay agad na nakipaghiwalay ang babae.

--Ads--

Lumalabas naman na ang dahilan ay nang tawagin ang bride ng “stupid” ng groom?

Batay sa salaysay, palabas pa lang sana ng pinto ng venue ang mag-asawa ng matapilok ang bride at narinig umano ng babae na tinawag siyang “stupid” ng lalaki.

Agad umanong uminit ang ulo ng bride at bumalik agad sa loob ng courthouse sabay hiniling sa judge na ipawalang-bisa na lamang ang kanilang kasal.

Dali-dali namang pumayag ang judge at nag-isyu agad ng divorce.