Dagupan City – Mga kabombo! Ikaw ba ay single ngayon? naghahanap ka ba ng “majojowa?”

Baka ito na ang chance mo para maging finally “taken”.

Isang 25-anyos na babae kasi sa China na kinilalang si Xiao Mai, ang no boyfriend since birth.

--Ads--

Ayon sa ulat, hindi naman pihikan sa lalaki si Xiao. Ngunit dahil sa kaniyang pambihirang asset ay tila ba iniiwasan siya ng mga potential admirers.

Si Xiao ay may sukat na seven feet and four inches (7’ 4”) o 2.26 meters.

Nahigitan nito ang tala na tallest living woman ng Guiness World Records na si Rumeysa Gelgi, na ang height ay 7 feet 0.7 inches tall sa edad na 27. Si Rumeysa ay taga-Turkiye.

Samantala, kapag may lumalapit na lalaki kay Xiao, kahit na matangkad din ito ay nagmimistula siyang bansot sa tabi ng dalaga.

Ngunit dahil sa pagiging isang contnent creator, marami ang natuwa kay Xiao at pag-amin nito, tanggap na niya ang kaniyang height dahil na rin sa ipinapakitang kabaitan sa kanya ng mga nagiging bisita, hindi na siya conscious ngayon sa kanyang pagiging tall girl. Sa katunyan, may mga nagiging male visitors na rin si Xiao na nagpapahiwatig na gusto nilang makilala nang lubusan ang dalaga.