BOMBO DAGUPAN – Mahigit 200 ang namatay, habang mahigit 125 naman ang nawawala dahil sa patuloy na pagbaha at landslide. Samantalang 800 naman ang naitalang sugatan matapos na maminsala ang bagyong Yagi sa Vietnam.

Tumaas ang mga naitalang kaso ng mga namatay nitong nakaraang araw dahil sa pagbahang naitala sa Lang Nu, Lao Cai, Vietnam.

Sa kabila nito, daan-daan naman ang mga tumulong na rescue personnel upang sagipin ang ang nakaligtas sa pamiminsala mg bagyo, ngunit 53 ang nananatiling nawawala nitong Huwebes ng umaga

--Ads--

Kahit na humina ang bagyo nitong Linggo, nananatili pa ring delikado ang mga ilog sa lugar.

Napinsala rin ang mga pabrika ng mga export-focused northern Vietnsm’s industrial hubs dahil sa malakas na pag-ulan.