DAGUPAN CITY- Malabo pa umanong maisakatuparan ang pagbabago ng Saligang Batas na iminungkahi ni Senate President Tito Sotto III sa senado.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Atty. Joseph Emmanuel Cera, Constitutional Law Expert, aniya, hindi rin makakamit ang mga nais ayusin o rebisahin sa konstitusyon dahil sa nalalapit na Presidential Election sa 2028.

Aniya, kung sakaali ay dadaan pa sa maraming debate at mahaba-habang proseso upang tukuying kung ito ba ay magiging constitutional convetion.

--Ads--

Giit ni Atty. Cera, ang pag-amyenda ng Saligang Batas ay nag-uugat sa pagnanais ng ilang mga mambabatas na mabaliktad pa ang naging desisyon ng Korte Supreme hinggil sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Matatandaan na ‘unconstitional’ ang naging desisyon ng korte sa articles of impeachment laban sa bise presidente.

Gayunpaman, ang naging desisyon sa motion for reconsideration ay upang maiwasang gamitin ang paghahain ng impeachment complaint bilang isang political weapon lamang.

Nabanggit naman ni Atty. Cera na matutuloy lamang ang paglilitis kapag naipasa na sa senado ang articles of impeachment.

Dito na aniya sasagutin ang mga demanda, suriin ang mga testigo at magharap ng sarili niyang testigo.