Naaresto ng mga otoridad ang tinaguriang Municipal Top 2 Most Wanted Person sa bayan ng San Manuel dahil sa kasong 2 counts of attempted Rape.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kanya sa pangunguna ng San Manuel Police Station (lead unit) kasama ang iba pang law enforcement agency sa probinsya at Region 1 maging ang 104th RMFB Maneuver Company na isinagawa sa Brgy. Guiset Sur ng nasabing bayan.

Kinilala ang suspek bilang isang 39-anyos na binata, walang trabaho, at residente ng Sitio Laclac, Brgy. San Roque sa parehong bayan.

--Ads--

Ang nasabing kaso ay may inirekomendang piyansa na P200,000.00 kada kaso na inisyu ng Regional Trial Court sa lungsod ng Urdaneta.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng San Manuel Police Station ang akusado para sa kaukulang disposisyon at dokumentasyon para sa paglabag sa naturang batas.