Inaasahan ang mixed movement sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng oil industry, ang presyo ng gasolina ay posibleng tumaas ng P0.55 hanggang P0.80 kada litro.
Maaari namang walang adjustment o bumaba ng P0.30 kada litro ang presyo ng diesel, habang ang kerosene ay inaasahang may bawas na P0.10 hanggang P0.30 kada litro.
Ang pagtaya ay base sa international trading sa nakalipas na apat na araw.
Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Assistant Director Rodela Romero, ang inaasahang price rollback ay dahil sa pananatili ng krudo sa mas mababang lebel kasunod ng US-brokered ceasefire sa pagitan ng Israel at ng Hezbollah, at sa downward trajectory ng pagkonsumo ng China.
Ang tinatayang price hike ay dahil naman sa posibleng pagbaba sa US crude inventory.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes, na kanilang ipinatutupad kinabukasan.