Hindi pinagsisisihan ni Miss Earth 2004 Priscilla Meirelles na nagpakasal siya. Pero kung may pagkakataong balikan ang nakaraan, hindi raw sana niya ito ginawa nang maaga.

Ang asawa ni Priscilla ay ang aktor na si John Estrada.

Mayroon silang isang anak na babae, si Anechka Estrada.

--Ads--

Nitong mga nakaraang buwan, laman ng usap-usapan ng netizens ang pagkakaroon ng problema sa relasyon ng mag-asawang Priscilla at John.

Nagsimula ito nang magkomento ang Brazillian beauty queen sa isang post ni John noong July 14, 2024, habang nagbabakasyon ang aktor sa Boracay.

Kaagad na sumabog ito sa social media at pinag-usapan ang hindi umano nila pagkakaunawan.

Tugon ni Priscilla, mabuti na lamang at wala siya sa Pilipinas noong panahong iyon dahil nagbakasyon siya sa Brazil.

Pero naramdaman daw ng mga ito na may problema silang mag-asawa.

Ikinasal sina Priscilla at John sa isang engrandeng seremonya sa Thunderbird Poro Point Resort, La Union, noong February 26, 2011.