DAGUPAN CITY- 60 Days bago ang Local at National Election, nananatili pa ring mapayapa at maayos ang sitwasyon kaugnay sa nalalapit na halalan sa bayan ng Sual.

Ayon kay PMAJ. Jaybram Ds Casiano – Officer-in-charge ng Sual MPS na kanilang tinitiyak ang patuloy na pagmomonitor at pagbantay pagdating sa seguridad at mga kaganapan sa kanilang nasasakupan Lalo na at nalalapit na rin halalan.

Sa kasalukuyan anya ay maigting naman ang kanilang ipinapatupad na mga alituntunin at ang pakikipag-ugnayan sa bawat kandidato upang mapanatili ang pagkakaroon ng mapayapang halalan sa darating na Mayo 12, 2025.

--Ads--

Dagdag pa nito na patuloy din ang pagsasagawa nila ng Comelec checkpoint at pagpapatupad ng gun ban. Mayroon din anya silang nahuhuli dahil a pagpapauok ng baril kapag lasing.

Panawagan naman nito sa kanyang mga nasasakupan na makipagtulungan at makipag coordinate lamang sa kanila upang maiwasan din ang mga insidente na posibleng maitala.