DAGUPAN CITY– Aminado si Provincial Health officer Dr. Ana Marie de Guzman na hindi handa ang mga hospital sa lalawigan sa pagtugon sa dumaraming kaso ng pagpapakamatay na sanhi ng depression.

Ayon kay de Guzman sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, counselling ang pinakamainam na paraan upang mapigilan ng mga taong depressed o problemado na makapag isip na wakasan ang kanilang buhay.

Giit niya na kailangang may mga psychologist na kakausap sa mga ito.

--Ads--

Kaya lang ang problema ayon kay de Guzman ay malaki ang kakulangan ng mga espesyalista partkular ng mga psychiatrist at psychologist para sa mental health.

Dahil dito, umapela siya sa kanilang partner sa lokal na makipagtulungan.

Kailangan na itawag sa kanilang hotline sakaling may mga ganitong situwasyon sa kanilang barangay na nangangailangan ng tulong.

Provincial Health Officer Dr. Ana Marie de Guzman

Hinimok niya ang kaanak ng mga ito na bantayan ang kanilang miyembro ng pamilya na may ganitong kondisyon at itawag sa kanila nang sila ay masuri at mabigyan ng gamot.