Dagupan City – Mga lokal na pamahalaan na sakop ng Agno river, nagbaba ng kautusan sa pagbabawal ng mga aktibidad malapit sa ilog
Naglabas ng babala alinsunod sa Executive Order No. 21, Series of 2026 na nagbabawal sa pagligo, paglangoy, at anumang recreational activities sa mga ilog lalo na ngayong panahon ng Semana Santa.
Ipinatupad ang naturang kautusan upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan at maiwasan ang mga posibleng insidente tulad ng biglaang pagtaas ng tubig, malalakas na agos, pagkalunod, at iba pang aksidente.
Ayon sa mga lokal na pamahalaan na sakop ng Agno River, bahagi ito ng kanilang hakbang upang mapanatili ang kaayusan at maiwasan ang kapahamakan sa gitna ng pagdami ng mga taong nagtutungo sa mga pampublikong lugar ngayong Semana Santa.
Hinihikayat naman ang publiko na makiisa at sumunod sa nasabing kautusan, gayundin sa mga paalala ng LGU at MDRRMO, upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.










