DAGUPAN CITY- Halo-halo ang naging emosyon ng mga kaanak ng mga nasawing mga inosenteng indibidwal dahil sa war on drugs campaign ng dating administryasyong Duterte.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rubylin Litao, Coordinator ng Rise Up, hanggang ngayon ay hindi makapaniwala ng grupo sa mga pangyayari.

Pinaghahandaan din ng grupo ang ilang mga hakbangin upang masiguro ang ilan sa bagay na kanilang mga ipinaglalaban.

Hindi maiwasang makaramdam ng pangungulila ang ilang mga kamapag-anak ng mga biktima ng EJK dahil sa pagsariwa ng kanilang sugat sa puso dahil sa mga kasalukuyang nangyayari.

--Ads--

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dahlia Cuartero, malaking kawalan sa kaniang pamilya ang pagkasawi ng kanilang anak.

Aniya, nadamay lamang ang kaniyang anak sa mga pangyayari ngunit siya ang nasawi sa engkwentro.

Samantala, ayon naman kay Emily Soriano, dinaramdam pa rin ng kaniyang pamilya ang pagkawala ng kaniyang anak.

Aniya, hindi nito inaakalang huling pasko ng taong iyon ang huling beses na makakasama niya ang kaniyang anak.

Tulad ng ilang mga biktima, isa rin ang kaniayag anak sa mga inosente na nadamay sa war on drugs.