Ginunita ang unang anibersaryo ng pagpanaw ng “Meteor Garden” star na si Barbie Hsu sa pamamagitan ng isang memorial statue na dinisenyo mismo ng kanyang asawa na si DJ Koo.
Sa isang panayam, ibinahagi ni DJ Koo ang inspirasyon sa likod ng likhang-sining na inialay niya sa yumaong aktres.
Ayon sa kanya, ginawa niya ang statue upang manatiling “kasama” nila si Barbie sa kabila ng kanyang pagpanaw.
Isinagawa ang unveiling ng estatwa sa himlayan ni Barbie sa New Taipei na dinaluhan ng kanyang pamilya, malalapit na kaibigan, at mga kasamahan sa industriya.
Kabilang sa mga dumalo ang kanyang mga dating ka-bituin at mga miyembro ng F4 na sina Jerry Yan at Vic Chou.
Ang memorial statue ay nagsisilbing simbolo ng walang hanggang pagmamahal ni DJ Koo kay Barbie Hsu at ng alaala ng aktres na patuloy na nananatili sa puso ng kanyang mga mahal sa buhay at tagahanga.










