Inaasahan ang malakihang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela na base sa international petroleum trading sa nakalipas na apat na araw, ang presyo ng gasolina ay tinatayang tataas ng P2.00 hanggang P2.30 kada litro.

Nasa P2.35 hanggang P2.65 kada litro naman ang inaasahang taas-presyo sa diesel, at P2.45 hanggang P2.55 kada litro sa kerosene.

--Ads--

Tinukoy ni Romero ang umiigting na tensiyon sa Middle East na nagbabantang makaapekto sa oil exports na isa sa mga dahilan ng oil price hike.

Ang final adjustments ay madedetermina matapos ang Friday trading.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes, na kanilang ipinatutupad kinabukasan.