Ibinunyag ng Department of Energy (DOE) ang malaking posibilidad na pagkakaroon ng rollback sa unang linggo ng Hunyo.

Ayon kay DOE Oil Management Bureau director Rino Abad, na base ito sa apat na araw na trading sa pandaigdigang presyo ng langis.

Hindi naman nagbigay pa ng anumang estimate ang opisyal kung magkano ang maaaring bawas presyo.

--Ads--

Sa araw pa ng Lunes malalaman kung magkano ang idadagdag kung saan kadalasan ito ay ipinapatupad tuwing araw ng Martes.