Sa kabila ng samu’t saring kontrobersiyang ibinabato laban sa kanya, nananatili pa ring siya ang itinuturing na pinakamalakas na contender para sa 2028 presidential election, batay sa mga lumalabas na pagsusuri at obserbasyon sa kasalukuyang galaw ng pulitika sa bansa.
Ayon kay Lucio Blanco Pitlo III, isang political at foreign policy expert, ang maagang pag-anunsyo ng kanyang planong pagtakbo ay maaaring maging sentro siya ng batikos at pag-atake ng mga kalaban sa pulitika.
Aniya, awtomatiko itong nagiging target ng masusing pagbusisimula sa kanyang rekord sa panunungkulan hanggang sa personal na buhay at mga nakaraang desisyon.
Sa ganitong yugto pa lamang, maituturing nang test of endurance ang kakayahang mapanatili ang solidong base ng suporta sa gitna ng tumitinding isyu.
Hindi rin maikakaila na may personal na dimensyon ang kanyang planong pagtakbo.
Ayon kay Pitlo, maaari itong maituring na isang personal na krusada upang makabalik sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno, lalo na sa konteksto ng mga kinakaharap na usapin ng kanyang ama na kasalukuyang nililitis sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands.
Ang sitwasyong ito ay patuloy na nagiging bahagi ng pambansang diskurso at may implikasyon sa pananaw ng publiko sa kanilang pamilya.









