Dagupan City – Humantong sa pananaksak ang matagal nang alitan sa pagitan ng isang miyembro ng POSO at isang jeepney driver sa bayan ng Calasiao.
Nangyari ang insidente bandang alas-singko ng madaling araw kamakailan sa Barangay San Miguel, Calasiao.
Batay sa nakalap na impormasyon, naghihintay pa umano ng pasahero ang biktima nang lapitan siya ng POSO official at hinamon ng suntukan.
--Ads--
Pagbaba ng biktima mula sa kanyang jeep, agad na bumunot ng patalim ang suspek at inundayan siya ng saksak.
Naagaw pa ng biktima ang patalim kaya mabilis na tumakas ang suspek.
May dati na umanong alitan ang dalawa na itinuturong dahilan ng komprontasyon.










