Kinilala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 1 ang bayan ng Asingan bilang isa sa mga pinakamahusay na Local Government Units (LGUs) sa pagpapatupad ng Supplementary Feeding Program (SFP) sa kanilang nasasakupan.
Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Carlos Lopez Jr. at ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) na pinangangasiwaan naman ni Maam Teresa Mamilio.
Napakinabangan ng halos 1,200 bata mula sa iba’t ibang child development centers ang pagsasagawa ng 120-araw na feeding programs mula sa ahensya.
Tumanggap dito ang mga batang nasa edad tatlo at apat ng iba’t ibang masustansyang pagkain kabilang ang bigas, gatas, itlog, tinapay, prutas, gulay, yogurt at iba pa upang maihatid ang nutrisyon na nararapat sa mga ito na ipinamahagi sa 25 child development centers sa bayan.
Patunay ang pagkilala sa pinapakitang ng lokal na pamahalaan sa pag-aalaga ng kalusugan at nutrisyon ng mga kabataan dahil layunin nila na mapababa ang mga kaso ng batang nakakaranas ng malnutrisyon upang sila ay lumaking malusog at maiwas sa mga sakit.