DAGUPAN CITY- Kinukumpleto na ng POSO Dagupan ang listahan ng mga benepisyaryo ng fuel subsidy na makakatanggap sa April 10.

Ayon kay Arvin Decano, hepe ng POSO Dagupan, unang makakatanggap ang unang 1000 sa 2,630 na tricycle driver sa syudad.

Nananawagan siya sa mga may prangkisa na magsumite ng kanilang lisensya bukas, March 25, hanggang 12NN, sa tanggapan ng POSO Dagupan upang mapabilang sa mga makakatanggap ng sabsidiya.

--Ads--

Aniya, malaking bagay ito sa mga tricycle driver para sa kanilang pagpapasada at patuloy na pagserbisyo sa mga mananakay.

Sinabi naman ni Decano na hindi hinahayaan ni Mayor Bellen Fernandez ang bawat isa sa kaniyang nasasakupan at lumapit ito sa national government upang humingi ng pondo para sa sabsidiya.

Bagaman Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ang may hawak sa mga tsuper ng jeepney, namahagi na lamang ng grocery ang alkalde para sa mga ito.