Dagupan City – Isinagawa kamakailan ang isang libreng Medical Mission sa bayan ng Sta. Barbara, sa pangunguna ng LGU–Rural Health Unit katuwang ang isang Charitable Foundation.
Naging matagumpay ang nasabing aktibidad na naglalayong maghatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga residente ng bayan.
Iba’t ibang serbisyong medikal ang ipinaabot sa publiko kabilang ang medical consultation, dental services, optical check-up, surgical evaluation, at diabetic care, na pawang libre at pinakinabangan ng maraming pasyente.
Naging maayos naman ang daloy ng serbisyo at maging ang mga volunteer doctors, dentists, nurses, at medical staff na naglaan ng oras at kakayahan upang matulungan ang komunidad.
Ipinakita rin sa aktibidad ang kahalagahan ng pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at mga pribadong organisasyon sa pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan.
Layunin ng ganitong mga programa na mapalapit sa komunidad ang pangunahing serbisyong medikal, lalo na sa mga nangangailangan.










