Nananatiling nakaalerto ang bansang Japan matapos itaas ang tsunami warning sa nangyaring Magnitude 7.7 earthquake.
Ayon kay Myles Briones Betran – Bombo International News Correspondent in Japan umabot ng 80 centimeter ang karagatan ngunit agad namang kaninang umaga.
Sa kabila ng tsunami warning ay nanatili pa ring alerto ang Japan sa katunayan aniya ay handa ang mga magsisilbing evacuation centers.
Kilalala rin kasi ajiya ang bansang Japan na sanay na rin sa tsunami advisories.
Nilinaw din ni Beltran na malayo rin ito sa tsunami warning noong taong 2011.
Malaki ang potensyal na magkaroon ng megaquake ang tsunami.
Isang malakas na lindol ang tumama sa hilagang baybayin ng Japan, at naglabas ng babala ng tsunami ang Japan Meteorological Agency sa naturang lugar.
Ang lindol, na may paunang lakas na magnitude 7.7, ay naganap sa baybayin ng Sanriku sa hilagang Japan , sa lalim na humigit-kumulang 10 kilometro sa ilalim ng dagat, ayon sa ahensya.
Ayon sa pampublikong telebisyon ng Japan na NHK, posibleng tumama sa lugar ang tsunami na may taas na hanggang 3 metro anumang oras.










