Prioridad ng local na pamahalaang bayan ng Binmaley dito sa lalawigan ng Pangasinan ang pagsasasayos sa kailugan ng kanilang bayan.
Ayon kay mayor Pedro Merrera III ng bayan ng Binmaley, tinututukan nila ang paglilinis sa kanilang ilog.
Ngunit ang problema ay wala ring saysay ang paglilinis at pagpapailalim ng mga ilog kung hindi ito gagawin ng ibang coastal town.
--Ads--
Dapat kung anong gagawin aniyang pag aayos sa ilog nila ay gayundin na sabay na gagawin din sa ibang bayan.
Samantala, pinapaigting din ng LGU ang peace and order sa kanilang bayan upang makapag invite ng mga investor.
Kasama rito ang paglalagay ng mga solar lights sa mga kalsada at mga liblib na lugar.