Gumawa ng kasaysayan sa kabila ng iniindang arthritis sa kaliwang paa ang 41-anyos na NBA star na si LeBron James.

Inanusyo ng Los Angeles Lakers ang paglahok ni James, kasama sina Luka Doncic na may iniinda ring pananakit sa balakang at Austin Reaves na game-time decision dahil sa injury sa braso.

Natabla ni James ang matagal nang record ni Robert Parish na naitala noong 1996 na may 1,611 games.

--Ads--

Sa kanilang huling laban kontra Houston Rockets, nagtala si James ng 13-of-14 shooting, isa sa pinakamagandang performance sa kanyang karera at tumulong sa panalo ng Lakers.

Matapos ang laban sa Houston, dumating ang Lakers sa Miami ng madaling-araw, ngunit nagpasya sina James, Doncic, at iba pang manlalaro na maglaro pa rin laban sa Heat.

Para kay Lakers coach JJ Redick, ito ay patunay ng mataas na kumpiyansa at dedikasyon ng koponan.

Si Robert Parish naman na pumasok sa Hall of Fame noong 2003, ay nagsabing walang ibang mas karapat-dapat na lumampas sa kanyang “Ironman record” kundi si LeBron James.

Bukod sa games played, hawak na rin ni James ang iba’t ibang NBA records kabilang ang pinakamaraming puntos, minuto, field goals, at pinakamaraming seasons (23), All-Star selections (22), at All-NBA team selections (21).