DAGUPAN CITY- Hindi sinasang-ayunan ng Legal Network for Truthful Election (LENTE) ang pag-aantala ng Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) at tinuturing itong pagkait sa karapatan ng mga Pilipino.

Ayon kay Atty. Rona ‘Ona’ Caritos, Executive Director ng Legal Network for Truthful Election (LENTE), sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, nararapat na sinusunod ang prinsipyo ng halalan sa bansa -ang pagsasagawa nito sa takdang panahon.-

Giit niya, hindi sapat na dahilan ang pagtitipid ng gobyerno o ang ‘election fatigue’ para maantala ang eleksyon at mawala ang karapatan ng sambayanang Pilipino para bumoto.

--Ads--

At batay sa guidelines ng Supreme Court, ang pagboto ay bahagi ng karapatang pantao at hindi ito basta basta tinatanggal o ipinagkakait ng gobyerno.

Bagaman para umano sa pagtitipid at paglipat ng pondo para sa krisis ang pagkakantala ng halalan, hindi naman aniya tiyak na sa loob ng anim na buwan ay magwawakas ang girian ng mga bansa sa Middle East.

Gayunpaman, kung tutuusin ay hindi gaano kalaki ang makukuha sa pagtitipid kumpara sa mga halagang kinurakot mula sa Flood Control Projects.

Kung patuloy naman ang pagkakantala, inaasahan pa ng LENTE na maririnig muli ang pagkakaantala ng halalan sa susunod na taon dahil pagliko ng atensyon ng Comelec sa Local and National Election para 2028.

Binigyan halaga niya ang papel ng halalan na nagsisimula sa Barangay upang mawakasan ang political dynasty.