BOMBO DAGUPAN – Mga kabombo! Ano ang mararamdaman mo kapag umuwi ng buhay ang iyong kaanak na inakala niyong patay na?

Ito ay matapos kasing paglamayan ng isang pamilya sa bayan ng Sual sa lalawigan ng Pangasinan ang bangkay ng isang lalaki matapos tukuyin ng mga kaanak nito na ang kalahating katawan na bangkay na natagpuan sa bayan ng Burgos ay ang kanilang kaanak.

Ayon sa asawa ng biktima matapos kasi nilang makita ang bangkay ay parehas na parehas nito ang suot ng kaniyang asawa bago umalis sa kanilang tahanan.

--Ads--

Dagdag pa dito ay ang pagkakatulad nito ng allergy daw sa paa at ang suot na sinturon.

Matapos naman na i-claim ng pamilya ang bangkay ay pinaglamayan nila ito ng tatlong gabi.

Pagkalibing ay nagulat na lamang ang mga ito ng mabalitaang nakita daw ng mga tao sa kanilang lugar na naglalakad sa may highway ang inakalang patay na.

Marami ang nabigla at hindi makapaniwala sa nakita dahil sino ba naman ang mag-aakala na muling mabubuhay ang pinaglamayan at inilibing nang tao.

Tuwang-tuwa naman ang pamilya nito dahil ang kanilang pagdadalamhati ay napalitan ng kasiyahan.

Ang bangkay na kanilang pinaglamayan at inilibing ay ibang tao pala.

Nagpapasalamat naman ang mga ito sa panginoon dahil nakauwi ng buhay at ligtas ang kanilang nawawalang kaanak.