Mga Ka-Bombo kung ang akala mong ginto ay naging bato pa?
Ayan ang nangyari sa isang lalaki sa US matapos mailigtas ang kaniyang powerball ticket na na nagkakahalaga ng $50,000 mula na muntik nang malabhan.
Isang residente ng Prince George’s County, Maryland na si Eric Cotton, ay nakaiwas sa disgrasya nang mailigtas ang kanyang Powerball ticket sa kaniyang lahabahin.
Ayon kay Cotton, naalala niyang may apat na Powerball tickets siya sa bulsa ng kanyang pantalon bago ito ipasok ng kanyang kasintahan sa washing machine.
Nang mailigtas niya ang mga ticket, natuklasan niyang isa sa mga ito, na binili sa isang establisyimento ay nanalo ng $50,000 sa Powerball drawing.
Aniya, plano niyanf gamitin ang kanyang napanalunan para sa masayang kaarawan ng kanyang anak at para mag-ipon para sa pagkuha ng bahay.