DAGUPAN CITY- Lubhang tumaas ang kaso ng Hand, Foot and Mouth Disease sa Region 1 kumpara nitong mga nakaraang taon.

Ayon kay Dr. Magnolia I. Brabante, Medical Officer IV ng Department of Health-Ilocos Center for Health Development, kailangang ikampanya ang kaalaman ukol sa kait na ito sa publio upang mabawasan ang pagtaas.

Isinalaysay din ng opisina, mula Pebrero 9 hanggang Pebrero 15 ay nakapagtala ang rehiyon ng 80 na kaso, kung saan kabuuan ay umaabot na sa mahigit 600 ang kaso nito sa buong rehiyon.

--Ads--

Sa tala ay halos 700 na porsyento ang itinaas nito sa kasalukuyan.

Mga bata rin ang karamihan sa mga may kaso ng sakit na ito.

Tinitingnan din ng opisina ang ilang mga salik at hakbang na maaaring gawin upang maging ligtas mula sa sakit na ito.

Pinaalalahanan din ng opisina ang lahat na manatiling maging malinis sa katawan at iwasan ang mga bagay na maaaring magdulot ng sakit.