BOMBO DAGUPAN – Mainit na usapin ngayon ang kasong kinakaharap ni dating US President Donald Trump maging ang nalalapit na eleksiyon sa Amerika.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rufino “PINOY” Legarda Gonzales – Bombo International News Correspondent sa Amerika ay additional publicity lamang ang kasong kinakaharap ngayon ng dating presidente.

Aniya ang akusasyon ni Michael Cohen ay hindi tama at hindi consistent kung saan inaatake lamang ni Cohen si Trump ngunit wala naman itong maiharap na collaborating witness ukol sa kanyang mga alegasyon.

--Ads--

Samantala, ay binabantayan na ng lahat ang debateng magaganap sa Hunyo sa pagitan ni US President Joe Biden at dating US President Donald Trump.

Kaugnay nito ang opisyal na nominasyon ng mga kakandidato sa eleksiyon sa amerika ay malalaman sa Hulyo kung saan ang nominee sa democratic ay si Biden at sa republican naman ay si Trump.