Inaasahang sisimulan na ni Pinay tennis star na si Alex Eala ang kanyang kampanya ngayong araw sa prestihiyosong Upper Austria Ladies Linz na gaganapin sa Linz.

Makakaharap ni Eala sa unang round ang Austrian tennis player na si Julia Grabher, na kasalukuyang nasa ika-87 pwesto sa world rankings.

Ang 29-anyos na si Grabher ay inaasahang magbibigay ng matinding hamon sa batang Pinay na patuloy na nagpapakita ng husay sa international tennis scene.

--Ads--

Si Eala, na isa sa mga pinakaaabangang atleta ng Pilipinas, ay determinadong makapagtala ng magandang performance sa nasabing torneo, na kabilang sa WTA 500 series, isa sa mga high-level competitions sa women’s professional tennis.

Layunin ng Filipina tennis star na makausad sa mga susunod na round at makapag-uwi ng karangalan para sa bansa.