DAGUPAN CITY- Hindi nakikita ng isang eksperto na makakaapekto sa mga alagang bangus sa lalawigan ng Pangasinan ang kamakailan pag-ulan.

Sinabi ni Doc. Westly Rosario, Former Center Chief ng NIFTDC, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, maaari lamang makaapekto ito kung magkakaroon aniya ng mahaba-haba at matagalang pag-ulan.

Gayunpaman, tamang panahon ang tag-ulan para sa pangingitlog ng mga alagang bangus.

--Ads--

Aniya, kung sakaling magkaroon din ng fishkill, dulot ito ng mababaw na katubigan at pabago-bagong temperatura.

Makakatulong naman na mabawasan ang problema kung magkakaroon ng selective harvesting at mabawasan ang mga alagang bangus.