DAGUPAN CITY- Naalarma pa rin ang ilang mga residente sa bayan ng Calasiao dahil sa napapaulat na mga insidente na nangyayari sa bypass road ng nasabing bayan.

Ilan dyan ay dahil sa mga nakaraang insidente na nagresulta ng pagkakasawi ng dalawang menor de edad at ilang mga pagkakataon na nagkakaraon ng karera ng motor sa nasabing kalsada.

Ayon kay Pcapt Anthony Doctolero, Deputy COP ng Calasiao PNP, patuloy ang pagkakaroon ng Police Visibility mula alas 6-8 ng gabi, at ang mga natitirang oras ay ginagamit upang libutin pa ang naturang lugar.

--Ads--

Aniya na 2 kapulisan ang nagsasagawa nito at limitado rin ang kanilang oras kaya naman kanilang isinusunod kaagad ang patrolling na isinasagawa kada oras.

Matatandaan na may napaulat na pagkasawi ng dalawang indibidwal kaya naman nagsilbi rin itong dahilan upang higpitan ang kanilang aksyon para sa seguridad ng mga motoista.

Bukod dito, ginagawa rin itong racetrack ng ilang grupo ng mga kalalakihan o motorista na kung saan ay mahigpit na ipinagbabawal ito ng mga awtoridad.

Aniya na isa ito sa mga bagay na hindi nila laging namomonitor dahil biglaan umano ito nangyayari.

Ganunpaman, may mga pagkakataon din na nakakapagbigay sila ng tiket para sa mga motoristang lumalabag sa batas pagdating sa pagmamaneho.

Sa ngayon ay naitigil na rin ang ganitong klaseng aktibidad dahil ang ilang parte o bahgi ng kalsada ay ipinasara ng alkalde ng bayan.

Samantala, maituturing pa rin ligtas gamitin ang kalsada ngunit paalala ng kapulisan lalo na sa mga naka-motor na huwag itong gawing racetrack, sumunod at igalang ang batas trapiko para sa kaligtasan ng mga motorista maging ang mga residente.