Nagpalitan ng putok ang Israel at ang Hezbollah na suportado ng Iran sa gitna ng paglala ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Inatasan ng Israel Defence Forces ang mga residente ng mahigit 50 nayon sa Lebanon na lumikas kasunod ng pagpapakawala ng mga rocket patungong Israel.
Kinumpirma ng US Central Command na tatlong sundalong Amerikano ang nasawi at lima ang malubhang nasugatan.
Nagbabala naman si US President Donald Trump na maaaring madagdagan pa ang bilang ng mga Amerikanong magiging biktima habang tumatagal ang operasyong militar.
Ipinangako ng Israel na paiigtingin ang mga pag-atake laban sa Iran.
Samantala, isang base ng Royal Air Force sa Cyprus ang tinarget ng hinihinalang drone strike.
Dahil sa lumalawak na kaguluhan, tumaas ang presyo ng langis sa Asya at patuloy ang aberya sa mga biyahe matapos isara ang ilang himpapawid sa Gulf region.










