Dagupan City – Muling nakapagtala ang Guinness World Records ng wigmaker.

Kinilala ang bagong humawak ng titulo na si ­Helen Williams bilang “Longest Handmade Wig” matapos itong makabuo ng wig na may habang 1,152 feet and 5 inches.

Ayon sa ulat, kung ikukumpara ang haba ng wig, mas matangkad pa ito sa Eiffel Tower ng Paris, France o nasa taas na Eiffel Tower na 984 feet.

--Ads--

Ayon kay Williams, inabot siya ng 11 araw para matapos ito kung saan ay gumastos ito ng 2 million Nigerian Naira o katumbas ng P131,000.

Pagbabahagi pa niya, gumamit siya ng bicycle helmet, 1,000 bundles of hair, 12 cans of hair spray, 35 tubes of hair glue, at 6,250 hair clips.
Si Williams ay walong taon nang nagtatrabaho bilang professional wigmaker at sa katunayan ay kaya niyang makagawa ng 50 hanggang 300 wigs para sa kanyang mga customers.

Sa kabila naman ng mga professional experience na ito, nahirapan pa rin daw siyang tapusin ang wig na ipinasa niya sa Guinness. At sa pamamagitan ng tulong ng mga kaibigan at pamilya, natapos niyang gawin ang wig at natanggap na niya ang certificate mula sa Guinness.

Sa kasalukuyan, nakatago ang world record holder na wig sa kanyang opisina at inilalabas niya ito kapag may kakilala o kaibigan na gusto itong makita.