Viral ngayon sa social media ang tear-jearker baby Japanese macaque na matatagpuan sa isang zoo sa Japan.

Ang must-see attraction sa Ichikawa City Zoo na si Punch ay inabando na ng kaniyang ina at tanging isang stuffed toy na orangutan ang nagiging sandalan nito sa tuwing nabubully ng kaniyang kapwa unggoy.

Ayon kay Kosuke Shikano, isang zookeeper, nawalay na sa ina si Punch nang siya ay isilang sa kasagsagan ng matinding tag-init noong nakaraang buwan ng July.

--Ads--

Bagaman kilala ang naturang uri ng unggoy na clingy sa kanilang ina, nagsagawa sila ng agarang interbensyon na maaaring makapitan ni Punch.

Nagkaroon ng experiments ang mga zookeepers upang mabigyan ng substitute sa ina na makatutulong sa kalagayan ni Punch hanggang sa napili nito ang nasabing stuffed toy.

Samantala, kalat ngayon sa social media ang video ni Punch kung saan binubully sya ng mga kasamang unggoy sa enclosure nito at kumaripas ito ng takbo patungo sa kaniyang stuffed toy.

Naantig ang mga netizen at nagpaabot ng suporta at pagmamahal kay Punch.

Umaasa naman si Shikano na darating din ang araw na hindi na kakailanganin ni Punch ang stuffed toy nito.