DAGUPAN, CITY— Nagbigti-patay ang isang 61-anyos na lalaking may Schizophrenia Brgy. Mangayao, sa bayan ng Bayambang.


Ayon kay PMaj. Ramil Llarenas, Deputy COP ng Bayambang Police Station, nakita umano ang biktima ng kaniyang kapatid na nakabitin na ang katawan habang nakatali ang kaniyang leeg gamit ang nylon cord.


Batay sa naging imbestigasyon, napag-alamang may depresyon ang senior citizen na nagresulta na ng kaniyang Schizophrenia of the Paranoid, na nakasaad sa kaniyang medical certificate mula Medical City Pangasinan sa Dagupan City.

--Ads--


Saad ng kapatid nitong nakatagpo sa labi ng biktima, tutungo lamang umano sana siya sa kanilang palikuran upang umihi nang makitang nakabitin ang kaniyang kapatid sa wooden beam ng kanilang banyo.


Agaran din umano nilang ibinaba ang katawan nito ngunit hindi na ito nakakitaan pa ng senyales ng buhay.


Sa karagdagang pagsisisyasat ng pulisya ang napag-alamang hindi umano ito ang unang beses na nagtangkang mag-commit ng suicide ang biktima na siyang naagapan lamang umano ng kaniyang mga kaanak.


Nagsagawa rin ng Physical/ocular examination ang mga otoridad sa labi ng biktima at gayundin sa lugar na pinangyarihan ng insidente at wala umanong senyales ng anumang foul play sa naturang insidente, kaya naman tumanggi na ang kaniyang mga kaanak na isailalim pa ang bangkay nito sa autopsy examination.