BOMBO DAGUPAN- Pinahanga ng isang content creator ang buong internet matapos ang kaniyang napakatinding development makalipas ang 2 taon.

Nakakuha ng 20 million views ang kamakailang post ni Nikocado Avocado o si Nicholas Perry sa totoong buhay, kilala sa kaniyang food-related content, ang muling pagharap niya sa netizens kung saan labis itong pumayat.

Bagama’t tuloy tuloy ang pagpopost niya ng video kung saan hindi pa ito payat, hindi inaakala ng mga viewers nito ang kaniyang pasikretong pagpapapayat. Ayon kay Nikocado, sa loob ng 2 taon ay pre-recorded content lamang ang kaniyang pinopost at sa likod nito, nagsumikap siyang tanggalin ang 250 pounds sa kaniyang katawan.

--Ads--

Sinabi din niya na parte ito ng kaniyang “greatest social experiment.”

Marami ang nabigla at nagkaroon ng inspirasyon sa kaniyang achievement, at hindi rin nawala ang mga naintriga.

Ikinamangha naman ng karamihan sa nagawa nitong pagpapanatiling aktibo ng kaniyang channel habang nagpapapayat ito.

Bagama’t tinuturing niyang “villain” ang kaniyang ginawa, para naman sa karamihan ay isa siyang “hero.”