Sabi nga ng mga performers, “The show must go on”.

Ito ang pinanindigan ng isang Japanese singer matapos itong magconcert ngunit, iisang tagahanga lamang ang dumating.

Ipinakita ni Yuka Akiyoshi ng HKT48 ang kaniyang solo stage performance sa kaniayang social media at kapansin-pansin ang mga bakanteng upuan.

--Ads--

Bagaman, single audience lamang ang dumalo, hindi pa kinansela ni Akiyoshi ang kaniyang concert bagkus, ibinigay niya pa rin ang 100% performance niya.

Nagpatuloy itong sundin ang buong setlist.

Umani ng atensyon ang Japanese singer at humanga ang mga netizens sa kaniya dahil sa respetong ibinigay nito sa kaniyang taga suporta.