BOMBO DAGUPAN- Nagulat na lamang ang isang guro sa California nang bisitahin siya habang nag hahanda ito sa nalalapit nilang pagsisimula ng bagong school year.

Hindi kase estudyante o kapwa guro ang bumisita sa kaniya kundi isang black bear.

Ayon kay Elain Salmon, ang nasabing guro, umalis lamang sya saglit ng kaniyang classroom upang magpaxerox sa kanilang opisina subalit nang bumalik na siya sa kanilang classroom, duon na niya nakita ang isang black bear.

--Ads--

Dahil sa takot, sinara ni Salmon ang silid aralan upang ikulong ang black bear sa loob nito subalit kasama din nito ang kaniyang cellphone.

Kaya dali-daling bumalik sa opisina si Salmon at tinawagan ang kaniyang asawa. Ibinahagi nito na baka manggulo ito sa loob ng silid aralan at masira ang mga kagamitan at dekorasyon na kaniyang ginawa.

To the rescue naman ang kaniyang asawa at pinakawalan nito ang black bear nang ligtas at walang napapahamak.

Ayon sa guro, tanging earthquake kit lamang ang nasira nito.