Umantig sa puso ng milyon-milyong netizens ang isang eksena kung saan isang limang taong gulang na batang babae ang dumalaw sa kulungan suot ang kanyang toga at graduation cap para lang makita ng kanyang nakakulong na ina ang isang mahalagang yugto sa kanyang buhay.
Inupload ang nasabing video noong Abril 8 ng kapatid ng 27-anyos na ina, kung saan nagpapakita ito ng emosyonal na tagpo kung saan ang bata ay nakatayo sa labas ng kulungan habang sinusubukang abutin ang kamay ng kanyang ina na nakasilip mula sa maliit na bintana sa ikalawang palapag ng kulungan.
Isa lang naman aniya ang kahilingan ng una, kundi ang makita lang ang kanyang anak na naka-toga.
Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 6.7 million views ang naturang video.
Marami ang naantig, umiyak, at nagpahayag ng suporta online.
Wala pang detalye kung gaano na katagal nakakulong ang ina at kung ano ang dahilan ng kanyang pagkakabilanggo.