BOMBO DAGUPAN- Sabi nga nila, ang pagkakaroon ng tattoo ay isa pang pamamaraan sa pagpapakita ng sining.

Kung nais mo makakita ng iba’t ibang art ng tattoo, panigurado marami kang makikitang iba’t ibang art style kay Esperance Lumineska Fuerzina ng Bridgeport, Connecticut.

Ang 36 anyos na babae ay nakapagtala ng 2 Guinness World Records dahil umabot sa 99.98% ng kaniyang katawan ay mayroong tattoo. Maliban diyan, mayroon din siyang 89 body modifications.

--Ads--

Ang naturang record na nakuha ni Fuerzina ay ang titulong most tattoed person at most body modifications sa parehong female category.

Tinalo niya si Maria José Cristerna, ang former record-holder na may 49 body mods noong 2012.

Ayon naman kay Fuerzina, 15 taon nang nakalipas nang makakuha siya ng kauna-unahan niyang tatto hahang 10 taon nang nakalipas nang magkaroon siya ng unang body modification, ito ay hatiin ang kaniyang dila sa dalawa.