BOMBO DAGUPAN -Pinatunayan ni Soborno Isaac Bari na hindi hadlang ang edad sa pag-abot ng iyong pangarap.

Paaano kasi sa edad na 12-anyos kumuha siya ng double degree sa college.

Ayon kay Bari masaya siya dahil naranasan niya makakilala at makisama sa magagaling na tao at marami siyang natutunan, at gusto pa niyang ipag-patuloy ang kanyang mas mataas na edukasyon abot sa kanyang makakaya at plano niyang tapusin ang kolehiyo sa loob ng dalawang taon.

--Ads--

Nakakuha si Bari ng 1500 sa 1600 sa Scholastic Aptitude Test o SAT, 34 sa 36 sa American College Testing o ACT, at nakatapos ng limang advanced na placement o AP na klase.

kahanga-hanga ang binata dahil sa napaka husay at napakamausisa.

At ngayon siya ay nag-aaral na sa New York University sa isang scholarship para sa kanyang bachelor’s degree sa math at physics.

Plano din niyang kunin ang kanyang doctorate degree at maging propesor balang araw.