Dagupan City – Patuloy ang international participation ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga pandaigdigang trade exhibits bilang bahagi ng pagsuporta sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs).
Ayon kay DTI Provincial Director Natalia Dalaten, layunin ng mga aktibidad na palawakin ang merkado ng mga lokal na produkto at mabigyan ng mas maraming oportunidad ang mga negosyanteng Pilipino.
Kabilang aniya sa mga nakatakdang aktibidad ang International Food Expo na gaganapin sa buwan ng Mayo, kung saan inaasahang lalahok ang iba’t ibang MSMEs upang maipakita ang kanilang mga produkto sa lokal at internasyonal na merkado.
Kasunod nito, isasagawa rin sa buwan ng Oktubre ang Manila Fair na magsisilbing plataporma para sa pagpapalawak ng market linkages at pagbuo ng mga bagong negosyo.
Sa pamamagitan ng patuloy na partisipasyon sa mga internasyonal na exhibit, inaasahang mas mapapalakas ang competitiveness ng MSMEs at mas mapalalawak ang kanilang oportunidad sa pandaigdigang kalakalan.










